What's Hot

EXCLUSIVE: Mark Herras, hindi komportable sa pagganap ng gay role?

By FELIX ILAYA, Interview by BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa kakaibang role na gagampanan ni Mark, inamin niya na naninibago pa siya sa karakter ni Conan.


Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Mark Herras, nagkuwento ito tungkol sa magiging role niya sa bagong comedy series ng GMA na Conan, My Beautician.

Aniya, "Ako si Conan, the beautician. Mana ako sa tatay ko na magaling sa paggugupit at barbero sa probinsya. And then magkakaroon ng twist sa story na magiging beautician ako. Mapipilitan ako na magpanggap na gay and then bilang magaling akong maggupit, magagamit ko 'yung talent doon sa parlor na papasukan ko at mapapabilib ko sila. I'm also gonna meet someone na sobrang magiging crush ko which is Megan [Young] ngunit ang alam niya, parlorista ako."

Dahil sa kakaibang role na gagampanan ni Mark, inamin niya na naninibago pa siya sa karakter ni Conan. Kahit gayon, nagagawa pa rin naman niya ang responsibilidad niya bilang aktor.

"Hindi ko alam kung komportable 'yung masasabi ko [sa pagganap kay Conan] pero so far sa mga shoot namin, nagagawa ko naman 'yung mga hinihiling nila. Natsa-challenge din ako pero so far I'm enjoying naman. It's a nice opportunity din para hindi din ako makahon sa isang klaseng karakter at mapakita sa mga tao at sa GMA Network na they can see me doing different roles like this," sambit ni Mark.

At kahit malayo man daw ang personality ni Mark kay Conan, nakaka-relate pa rin siya rito dahil sa pagmamahal ni Conan para sa kaniyang pamilya.

Ani Mark, "Well siguro nakaka-relate ako kay Conan dahil sa pagmamahal niya sa family, hindi 'yung sa gay role [laughs]. 'Yung talagang pag-care niya sa family niya na he's going to do anything para lang matupad 'yung mga pangangailangan ng pamilya niya. Kahit anong trabaho gagawin niya para kumita siya ng pera to help his family."