What's on TV

EXCLUSIVE: Mark Herras, masaya sa mga natatanggap na 'action' roles

By Marah Ruiz
Published March 28, 2019 2:42 PM PHT
Updated March 28, 2019 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express: June 25, 2026 [HD]
Boy, 11, electrocuted at foam party in Iloilo; dies
Japanese Embassy says temporary visa for Filipinos is still free

Article Inside Page


Showbiz News



Mark Herras on doing away with matinee type of roles: "I think mas magagawa ko nang tama at mas mapaglalaruan ko 'yung character ko kapag medyo action or kontrabida roles." Read more:

Isang pulis ang karakter na gagampanan ni Kapuso actor Mark Herras sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Bihag.

Mark Herras
Mark Herras

"My character is SPO1 Larry Pineda. Siya 'yung pulis na hahawak sa kaso nina Brylle and Jessie sa 'Bihag.' May backstory din 'yung naging character ko. Hindi ko lang hinawakan 'yung case dahil kailangan kong gawin 'yung trabaho ko bilang pulis pero dahil kilala ko kasi si Jessie from high school days pa," kuwento ni Mark sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bihag | Full Trailer

"Wala naman kaming relationship noon. Wala kaming past relationship. Pero I think nabihag 'yung character ko doon sa panahon na 'yun na mayroon akong patingin kay Jessie na hindi siguro ako napansin. Kahit nalaman kong may asawa na siya, gusto ko pa rin hawakan 'yung kaso nila," dagdag pa niya.

Sa kuwento, dudukutin ang anak nina Jessie at Brylle, na gagampanan nina Max Collins at Jason Abalos. Paghihiganti ang makikitang anggulo sa kidnapping.

Action-drama at suspense ang Bihag, na ikinagulat daw ni Mark.

"Actually, nagulat akong meron akong mga scenes na talagang takbuhan. Nakakapagod, tapos naka-leather jacket pa 'ko," natatawang kuwento ni aktor.

Gayunpaman, masaya daw siyang tila nahahanay sa action ang mga roles na natatanggap niya kamakailan.

Love and bittersweet revenge on GMA Afternoon Prime's newest series, 'Bihag'

"It's better for me, I think. Nag-request din ako sa GMA before. Sabi ko medyo ayoko nang gumawa ng mga matinee or lead-type roles. Hindi naman dahil matanda na 'ko. I think mas magagawa ko nang tama at mas mapaglalaruan ko 'yung character ko kapag medyo action or kontrabida roles. Mas marami kang pwedeng gawin," aniya.

Abangan si Mark bilang Larry sa Bihag, Lunes hanggang Biyernes, simula April 1 sa GMA Afternoon Prime.