
Lubos na nage-enjoy si Kapuso actress Max Collins sa pagtatrabaho sa kanyang upcoming GMA Telebabad series na The One That Got Away.
Makakasama niya dito ang iba pang Kapuso beauties na sina Rhian Ramos at Lovi Poe.
"We did a scene, parang away-away scene. I don't wanna give away the story, but one of our characters has a boyfriend who's super stalker. The guy tried to hurt her so the two other characters went and like beat him up. We all beat him up," paglalarawan niya sa eksenang pinaka na-enjoy niyang gawin sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com
"It was so much fun because it was really funny. For three girls to beat up a guy, nakakatawa lang talaga. May stunts pa," dagdag niya.
Agad na nabuo ang pagkakaibigan ng tatlo bago pa man magsimula ang taping, kaya naman talagang masaya lagi ang set ng serye.
"It's more fun kasi more girls, the more fun. It's not boring. You never feel alone. 'Yun 'yung pinaka masaya. Hindi kami nag-iisa sa show. You always have a girl who has your back. 'Yun 'yung nararamdaman namin sa show. We have a friend who has our back," pagtatapos niya.
Nakatakdang mapanood ang The One That Got Away sa susunod na taon sa GMA Telebabad.