
Sa isang exclusive interview with Sheryl Cruz and Tina Paner, naikuwento ng dalawang aktres na hindi lang pala si Billie (Barbie Forteza) ang magkakaroon ng ka-Meant To Be sa finale.
Ani Sheryl, “Everyone should be looking forward doon sa ginawang pambulaga nila Direk L.A. Madridejos sa dulo, kasi merong dalawang magkakaroon ng ka-Meant To Be.”
Inisa-isa ni Sheryl ang mga may kapareha na. Ika niya, “'Di ba si Lola Madj (Gloria Romero) and Lolo Ric (Ronaldo Valdez) meron na? And as you know, biglang nag-end up si Beatriz (Sheryl Cruz) kasama na si Adonis (Janno Gibbs.) Do wait for two more surprises na pasabog, bukod pa sa pipiliin na ka-Meant To Be ni Billie. So, abangan niyo ‘yun. And ano ‘yan, within the characters din, the least that you would expect. So, magugulat na lang talaga kayo dahil biglang bubulaga sila doon.”
Dagdag naman ni Tina, “Syempre, happy kami doon [sa surprise sa finale.] Nakakagulat pero nakakatuwa, kasi nakakatuwa, kasi hindi lang pala si Billie ang may ka-Meant To Be. Dalawa actually, dalawa. Parang, ‘ay 'di lang pala si Billie ang may ka-Meant To Be,’ hindi lang si Billie at si Lola Madj.”
Paliwanag pa niya, 'pag napanood ang dalawang may biglaang ka-love team na ito, mapapasabi raw ng: “'Yun ‘yung sinasabi nilang may forever.”
Abangan ang kilig finale, tonight na, pagkatapos ng My Love From The Star.