What's Hot

EXCLUSIVE: Mike "Pekto" Nacua umaasa na mapapanood muli ang 'Ismol Family'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang Kapuso comedian na malungkot sila nang sandaling mamamaalam ang show sa telebisyon.


 

 

Mananatiling Kapuso ang isa sa mga pinakamagaling na comedian sa bansa matapos pumirma ng panibagong contract with GMA-7 si Mike “Pekto” Nacua ngayong Huwebes ng hapon, November 10.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Pekto sa GMA Network Center, nagkuwento ito ng kaniyang saloobin tungkol sa season ender ng kaniyang show na Ismol Family last week.

Aminado ang Kapuso comedian na malungkot sila nang sandaling mamamaalam ang show sa telebisyon.

Saad ni Pekto, “Well siyempre medyo-medyo may lungkot din na nararamdaman kasi sobrang tagal din na nung show, parang isang buong family na kami doon. Ang tratuhan na namin sa bawat isa is parang family na talaga.”

Dagdag niya, “Sobrang nag-e-enjoy kami sa taping na 'yun at the same time relax lang ‘yung sa set. Tapos at the same time, para lang kami naglalaro pero masaya ‘yung show… Pero as they promise na season break daw, so hoping na makabalik.”

Binigyan papuri rin ni Pekto ang award-winning comedienne at co-star niya na si Ms. Carmi Martin na all-out sa pagpapatawa sa Ismol Family.

“Si Ms. Carmi talaga ang sobrang nakakatawa doon eh kasi talagang ibinibigay niya lahat. Parang all-out siya tapos kami nung mga iba, siyempre hawa-hawa na ‘yun.”

MORE ON 'ISMOL FAMILY':

#IdealFather: 12 reasons why Ryan Agoncillo is a perfect dad
   
EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, proud sa tagumpay ni Carla Abellana sa Alta Media Icon Awards     

LOOK: Ano ang early Christmas gift na natanggap ni Carla Abellana?