What's Hot

EXCLUSIVE: Mike Tan, very proud sa achievements ng 'Ika-6 Na Utos'

By Bea Rodriguez
Published March 19, 2018 3:59 PM PHT
Updated March 19, 2018 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang “Birthday Cake Modus?” | GMA News Feed
Reverse text challenge: Marco Masa and Sean Lucas | Huwag Kang Titingin
Authorities underscore protection as heat from sun gets more intense

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagtatapos ng 'Ika-6 Na Utos,' masaya ang aktor na si Mike Tan na naging bahagi siya nito. Silipin ang pahayag ng aktor patungkol sa country's highest-rating afternoon soap.

 

 

Nagwakas na noong Sabado (March 17) ang country’s highest-rating afternoon soap na Ika-6 Na Utos. At sa pagtatapos nito, isa si Mike Tan sa mga very proud sa naging achievements ng dramaserye na minsan niyang kinabilangan.

“Nakakalungkot pero masaya ako sa naging achievements ng Ika-6 Na Utos. Iba kasi highest-rating [at] Mondays to Saturdays. Matagal ulit bago siya maulit...” kuwento ng aktor na nakapanayam ng GMANetwork.com sa debut ng Kambal Karibal star na si Bianca Umali.

Halos isang taon at apat na buwan umere ang GMA Afternoon Prime soap at siyempre, may pinagsamahan na ang cast at crew ng serye. Hindi nakapunta si Mike sa victory party ng Ika-6 Na Utos noong Sabado.

“Nakakatuwa kasi naging part ako ng Ika-6 Na Utos. Actually, at the same time, nakakalungkot din kasi hindi ako nakasama sa kainan nila kasi dito ako nagpunta. Andun sila lahat, Kuya Gabby [Concepcion], Direk Laurice [Gillden], almost everyone [ay] nandun,” bunyag ng Kapuso star na ngayon ay leading man ng aktres na si Yasmien Kurdi sa GMA Afternoon Prime soap na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.