
Interview by CHERRY SUN
Nalalapit na ang paglabas ng Encantadia characters na sina Sang'gre Pirena at Lira sa Mulawin VS Ravena at isa sa mga excited sa telefantasya crossover na ito si Mikee Quintos.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Mikee, ikinuwento niya ang kanilang first taping day ni Glaiza de Castro sa higanteng telefantasya. Aniya, "Very welcoming lahat sila (Mulawin VS Ravena cast). Si Derrick [Monasterio] kinain agad 'yung baon ko."
Bukod pa sa kanyang mga bagong katrabaho, isang bagay raw ang nagpabilib sa kanya sa set ng GMA Telebabad soap. "Ang ganda ng studio nila. Sobrang laki, mas malaki [kaysa sa Encantadia]. Being an architecture student, na-appreciate ko 'yung aesthetics ng buong studio,' pahayag niya.
Dahil bagong miyembro ng cast, mahilig daw mag-observe si Mikee sa taping. Saad niya, "Kahit hindi ko eksena, nanonood ako sa kanila, pinapanood ko sila mag-take, mag-rehearse ng fight scenes. Mayroon silang mga lipad-lipad eh. Wala namang ganoon [sa Encantadia]. Sa 'min may mga nagdi-disappear pero iba 'yung kailangan nilang gawin para maipakita 'yung flying. It's just fun to watch."
Sa huli, ibinahagi ni Mikee ang mga dapat abangan ng viewers sa kanyang character na si Lira. "'Yung mga punchline ni Lira and babalik 'yung kakulitan niya. And kung mayroon ba siyang magiging crush dito. Kung hindi masyadong naipakita sa Encantadia 'yung galing niya sa magic, dito makikita na 'yon kay Lira," pagtatapos ng aktres.
Abangan ang pagpasok nina Sang'gre Pirena at Lira sa Mulawin VS Ravena, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.