What's Hot

EXCLUSIVE: Mikoy Morales, naging emosyonal sa set ng 'Maynila'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 9:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

QC fire leaves 4,000 families homeless; 1 dies due to heart attack
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Mikoy, espesyal para sa kanya ang episode dahil dito unang maririnig ang kanyang second single na pinamagatang "Sana."


Ngayong araw, December 17, nagtapos ang two-part episode ng Maynila na pinagbidahan nina Mikoy Morales, Jeric Gonzales at Kim Rodriguez.

Ayon kay Mikoy, espesyal para sa kanya ang episode dahil dito unang maririnig ang kanyang second single na pinamagatang "Sana."

"We actually met up to sync the story of the two episodes for this song. They've asked for materials—the scoring, kukuha sila sa minus one. It was just really a nice collaboration with Maynila," pahayag ni Mikoy sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Naging emosyonal pa nga si Mikoy nang marinig ang "Sana" sa set. 

"The scene was magpe-perform siya (Jeric). He's gonna call on me and pupunta ako sa stage. Kinakanta niya 'yung song noong time na 'yun. Noong shinu-shoot namin 'yun, nagpe-playback talaga ['yung song]. Noong tumigil na siya para tawagin ako, it wasn't part of the scene dapat, pero talagang naiyak ako," kuwento niya. 

Bukod dito, may isa pang dahilan kung bakit naging memorable sa kanya ang nasabing episode. 

"I'm really good friends with Jeric. I'm glad that this story turned out na mas nag-focus doon sa friendship noong dalawang lalaki. I'm really happy that I got to share scenes like this with Jeric," paliwanag ni Mikoy. 

Ayon sa kanya, matagal na raw noong huli niyang nakatrabaho ang kaibigan.

"Na-miss ko si Jeric eh! Huling nakatrabaho ko siya Protege pa. Mahirap kasi hatakin 'yang si Jeric kapag lalabas kami. At least ngayon wala siyang choice kundi makipag-bond sa akin on set. I'm really happy that I got to work with him this intimate," pagtatapos niya.

MORE ON MIKOY MORALES:

EXCLUSIVE: Bagong kanta ni Mikoy Morales, unang mapapakinggan sa 'Maynila'

IN PHOTOS: Mikoy Morales on the Playlist