What's on TV

EXCLUSIVE: 'Mulawin VS Ravena' star Angelu de Leon, guwapong-guwapo kay Miguel Tanfelix

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 26, 2017 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang exclusive interview,  inamin ni Angelu na talagang nagulat siya nang makita si Miguel dahil binatang-binata na ang kanyang tumayong anak sa dating teleserye na 'Niño' noong 2014.

Muling magsasama sa isang proyekto ang Kapuso stars na sina Angelu de Leon at Miguel Tanfelix dahil kabilang sila sa biggest project ng GMA ngayong taon na Mulawin VS Ravena.

 

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ni Angelu na talagang nagulat siya nang muling makita si Miguel dahil binatang-binata na ang kanyang tumayong anak sa dating teleserye na Niño noong 2014.

"Sabi ko sa kanya (Miguel), 'noong sa Niño bata ka pa talaga' Ngayon, nag-bloom na talaga siya. Even the way he talked before, the way he moved and everything, 'yung confidence medyo mas mababa, pero ngayon iba na," kuwento ni Angelu.

Dagdag pa niya, "Sabi ko nga sa kanya, 'Ang guwapo-guwapo mo kanina anak.' Parang proud nanay ako kanina. Ang galing-galing! Nakakaaliw!"

Hindi raw mawala sa isip ni Angelu ang character ni Miguel na si Niño noon kaya't kung minsan ay nagbibiruan pa silang dalawa. "Si Pagaspas magiging si Niño, naglalaro kami ng ganun. Ano 'yung hitsura ni Niño kapag naging si Pagaspas?," natatawang bahagi ni Angelu.

Gaganap si Angelu bilang si Lourdes at muling bibigyang buhay naman ni Miguel si Pagaspas sa Mulawin VS Ravena.

 

Ako po si Lourdes sa Mulawin vs Ravena. #MvsR #MvsR24Oras #MulawinvsRavena #workworkwork #2017

A post shared by Angelu De Leon-Rivera (@angeludeleonrivera) on

 

MORE ON MULAWIN VS RAVENA:

WATCH: Miguel Tanfelix, todo career sa muling paglipad ni Pagaspas sa 'Mulawin VS Ravena'

'Mulawin VS Ravena' star Miguel Tanfelix on Bianca Umali as the new Lawiswis: "Bagay, ang ganda niya"

WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, todo ang paghahanda para sa 'Mulawin VS Ravena'