What's on TV

EXCLUSIVE: Nora Aunor, hanga kay Jo Berry

By Jansen Ramos
Published April 20, 2018 10:31 AM PHT
Updated July 20, 2018 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit hanga si Nora Aunor sa baguhang aktres na si Jo Berry? Alamin sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Sa pagbabalik ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa primetime, napahanga kaagad siya sa galing sa pag-arte ng baguhang aktres na si Jo Berry.


Madalas niyang kaeksena si Jo dahil mag-ina ang kanilang roles sa upcoming drama series na Onanay.

"Madalas siya ang kaeksena ko simula nung nag-taping ako. Sobrang mabait siya, magaling na bata at magaling na artista. Turing ko sa kanya ay anak ko talaga," paglalarawan ng Superstar kay Jo sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com

Sa kabila ng stature ng premyadong aktres, nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba, at marunong ding makibagay sa kanyang mga kapwa artista. Nasaksihan mismo sa pictorial ng serye ang magandang relasyon nila ni Jo. Isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang tinitingala.


Paglilinaw ng Superstar, "Lahat ng kasama ko dito siyempre magagaling na artista, at hindi lang tinitingnan kung ano 'yung arte ko. Sa ngayon naman, para kaming magkakapatid, masaya lang kami sa set. 'Di lang kami mga artista, kung 'di [mga normal na tao rin]. Lahat ng mga kasamang staff and crew, may pagmamahalang nararamdaman."

Abangan ang very special participation ni Superstar Nora Aunor sa Onanay, malapit na sa GMA Telebabad.