What's on TV

EXCLUSIVE: Paano ginagawang magkakaiba ni Thea Tolentino ang kanyang mga kontrabida roles?

By Marah Ruiz
Published July 5, 2017 11:51 AM PHT
Updated July 5, 2017 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi man inasahan ni Thea na makikilala siya sa kanyang kontrabida roles, masaya siya dahil sa sunud-sunod na trabahong naibibigay sa kanya. 

Hindi man inasahan ni Kapuso actress Thea Tolentino na makikilala siya sa kanyang mga kontrabida roles, masaya naman siya dahil nagiging learning process daw para sa kanya ang sunud-sunod na trabahong naibibigay sa kanya. 

Ang panibagong kontrabida role ni Thea ay sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Haplos. Gaganap siya dito bilang si Lucille, isang dalagang nabigyan ng kakaibang biyaya sa pangkukulam. Guguluhin niya ang tahimik na buhay ng kanyang half-sister na si Angela, na gaganapan naman ni Sanya Lopez.

Paano nga ba ginagawa ni Thea na magkakaiba ang kanyang mga roles?

"As much as possible, sinusubukan ko talaga na iba 'yung atake depende sa script. Kapag binabasa ko 'yung script, parang nakikita ko na kung ano 'yung ugali nung character ko tapos doon ko binabase," paliwanag ni Thea sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Nagsisilbi rin daw na gabay ang mga taong nakapaligid sa kanya. 

"Humihingi din ako ng mga advice sa acting coach namin saka kay Direk (Gil Tejada Jr.) kung anong gusto nilang atake dito. Kasi kapag ako 'yung gumawa, lalo na ngayon nagsa-start pa lang 'yung taping, baka magaya ko siya sa mga past work ko na ganun 'yung klase ng taray," ani Thea. 

Dahil na rin sa mga payo nila, nagiging learning process daw para sa kanya ang mga back-to-back niyang kontrabida roles.

"Kapag tinanong ko sila, naiiba nila. Natututo ako at the same time about my character tapos naiiba ko 'yung atake," pagtatapos niya. 

Abangan si Thea bilang Lucille sa Haplos, simula July 10, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.