
Nag-audition daw si Kapuso actor Pancho Magno para makuha ang kanyang role sa GMA Afternoon Prime series na Haplos.
Sa tingin niya, malaki ang naitulong ng kanyang former Encantadia at current Haplos co-star na si Sanya Lopez para makuha niya ang role.
"Ang dami ngang kasabay noon eh! Naging okay kami ni Sanya kasi nagka-work na kami," kuwento ni Pancho sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Sadyang matulungin daw naman talaga ito kaya lagi siyang thankful sa tulong na ibinibigay nito.
"Si Sanya naman sobrang bait and talagang 'yung support niya bilang actress ibibigay niya talaga. Kahit sabihan mo ng cut or kelangan mo ng actors cue, tutulungan ka niya," paglalarawan niya sa dalaga.
Gumaganap si Pancho bilang Benedict sa serye.
"Sobrang mapang-asar siya [at] may pagka-playboy. Sobrang funny siya and siyempre may gusto siya kay Angela," paglalarawan niya sa kanyang karakter.
Dapat naman daw abangan ang magiging pagbabago ni Benedict habang tumatagal ang istorya.
"Makikita nila 'yung progress. Being in love with her, ano'ng mangyayari sa character niya at sa personality niya? Paano siya magbabago? Sana abangan nila," pagtatapos nito.
Abangan si Pancho bilang Benedict sa Haplos, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.