
Kung may number one fan si LJ Reyes sa pagiging best mommy, ito na siguro ang kaniyang longtime boyfriend na si Paolo Contis.
WATCH: Sinong superheroine ang ginagaya ng anak nina Paolo Contis at LJ Reyes?
Pinuri ng Kapuso versatile actor ang kaniyang girlfriend nang magpaunlak ito ng exclusive interview sa GMANetwork.com sa taping ng Kapuso gag show na Bubble Gang noong May 6.
Ayon kay Paolo, nakakamangha si LJ kung paano niya hina-handle ang role niya bilang isang nanay.
Saad niya, “Alam na niya 'yun. She knows how much I love her and I'm very proud of how she is as a mother to Summer and at the same time, how great of a mother she is to Aki.”
“Kumbaga sa time management master na niya 'yun, in terms of taking care of the family, the two kids, me and still having time to have fun. And still having time to have quality time together.”
Nag-bigay rin si Paolo ng mensahe sa mga netizen na natutuwa sa videos na ina-upload niya featuring his Baby Summer.
Ang isa sa videos na ito ay umabot na sa mahigit isang million views sa Instagram.
Paniniwala ng Kapuso comedian, maraming nakaka-relate sa cute videos ng kaniyang anak kaya nagba-viral ang mga ito.
“I don't post regularly in terms of every day kailangan may mai-post ako. I post things since I had fun 'di ba? Hindi naman ito nakaabang ka ng camera para mayroon kang ma-upload.”
“Nagkataon na nag-enjoy ako, sine-share ko lang 'yun. Mas nakaka-relate ('yung mga tao) kasi totoong nangyayari. Pampagaan ng buhay sa mga nakakanood 'di ba?”