GMA Logo Pauline Mendoza and Tanya Garcia-Lapid
What's Hot

EXCLUSIVE: Pauline Mendoza, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Tanya Garcia-Lapid

By Aedrianne Acar
Published May 14, 2021 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Seven Last Words Quiapo Church Mass | GMA News
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza and Tanya Garcia-Lapid


Nagluluksa ang pamilya ng 'Babawiin Ko Ang Lahat' star na si Tanya Garcia-Lapid sa pagkamatay ng pinakamamahal nila na si Mariquita Rosales o Mama Quing.

Pilit nagpapakatatag ang soap opera actress na si Tanya Garcia-Lapid sa pagkamatay ng kanyang lola na si Mariquita Rosales o mas kilala sa tawag na Mama Quing.

Sa Instagram post ni Tanya, ramdam ang pangungulila niya sa tinatawag niyang “Mama.”

A post shared by tanya lyttle (@tankeelyttlelapid)

Source: GMA Network

Ngayong Biyernes ng hapon, May 14, nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay ang co-star ni Tankee sa Babawiin Ko Ang Lahat na si Pauline Mendoza--gumaganap si Pauline bilang Iris na anak naman ng karakter ni Tanya na si Christine.

Sa media conference para sa finale ng afternoon soap na ginawa via Zoom, sinabi ni Pau na kasama sa kanyang dasal ang pamilya ng kanyang Ate Tankee.

Pahayag ng promising actress, “Siyempre condolence to Ate Tankee (Tanya Garcia-Lapid) and to her family, but I know naman na Ate Tanya she's a strong woman.

“She's really strong, I know kaya niyan--I will pray for her, I will pray for her lola, I will pray for her family. I know na mapagdadaanan niya 'to and talagang pinagpi-pray ko 'yung faith niya kay God sana hindi mawala.

“And you know just keep praying lang and I know she's strong.”

Ating balikan ang ilan sa mga kilalang artista at personalidad na yumao noong 2020 sa gallery below.