What's on TV

EXCLUSIVE: Polo Ravales reunites with Sunshine Dizon in 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published October 14, 2019 4:20 PM PHT
Updated October 14, 2019 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Polo Ravales reunites with Sunshine Dizon in Magkaagaw


Polo Ravales feels nostalgic on reuniting with former onscreen partner and girlfriend Sunshine Dizon via GMA Network's upcoming soap 'Magkaagaw.'

Pagkatapos ng ilang taon, balik-Kapuso muli ang aktor na si Polo Ravales.

At sa kanyang pagbabalik, gaganap siya bilang si Oliver, isang lalaking mapapamahal kay Laura, ang karakter ni Sunshine Dizon sa upcoming soap na Magkaagaw.

Sa panayam ng GMANetwork.com, aminado si Polo na “nostalgic” daw ang feeling na makasamang muli ang dating kasintahan.

“Masarap 'yung feeling at mini reunion 'yun hindi lang for me and Sunshine.

“Kasi, the director of the show is my first ever director nung pumasok ako sa showbiz, which is si Direk Gil Tejada Jr.,” saad ng former TGIS star.

A post shared by Polo Ravales (@poloravales) on


Dagdag pa nito, madali raw siyang naka-adjust sa kanyang bagong role dahil hindi na rin bago para sa kanya ang makatrabaho ang aktres.

“Isa ata ako sa huling na-cast for the show, so in terms of pag-prepare for the role, madali lang naman siya kasi magiging mabait 'yung character ko.

“And I think kahit papaano, nagkatrabaho rin naman na kami ni Sunshine noon kaya madali na lang siya for the both of us.”

Ayon sa 37-year-old actor, excited na siyang makita ng manonood ang Magkaagaw sa telebisyon lalo na ang mga taga-hanga nila ni Sunshine.

“For sure magandang story ito and 'yun nga magkakasama kami ni Sunshine sa isang TV show after a long time.

“So, ngayon mas mature yung gagampanan namin and I'm excited kung anong kalalabasan.”

Panoorin ang pagbabalik ni Polo Ravales sa Magkaagaw simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.

LOOK: Polo Ravales is now engaged!

IN PHOTOS: Meet Paulyn Quiza, the fiancee of Polo Ravales