What's on TV

EXCLUSIVE: Reaksyon ni Reese Tuazon nang malamang siya ang gaganap na young Snooky Serna sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan
Published August 31, 2018 7:42 PM PHT
Updated August 31, 2018 7:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Reese Tuazon na na-challenge at na-overwhelm siya nang gampanan niya ang role bilang young Snooky Serna para sa isang episode ng 'Magpakailanman.'

Nitong Sabado, September 1, mapapanood sa Magpakailanman ang makulay na buhay ni Snooky Serna sa harap at likod ng camera.

Si Snooky mismo ang gaganap sa kanyang sarili, pero ang young Kapuso talent na si Reese Tuazon ang gaganap bilang younger self ng batikang aktres.

IN PHOTOS: Ang makulay na buhay ni Snooky Serna sa 'Magpakailanman'

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ibinahagi ni Reese na overwhelmed siya na sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito.

"Na-overwhelm ako nang ibigay sa akin 'yung project, and nung nabasa ko 'yung script, sobrang ganda ng story. Na-overwhelm ako ulit kasi mabibigat 'yung mga scenes. This is the first show ko na mabigat ang mga scenes na ginawa ko."

Ikinuwento din niya kung paano niya pinaghandaan ang pagbibigay buhay kay young Snooky.

"I watched her movie clips, I studied her nuances, how she cries, mga ganun. Sinubukan ko siyang gawin din sa scenes, and with the guidance naman of Direk Rechie, sinasabi naman niya kung 'that's Snooky' or 'that's not Snooky' para 'yung portrayal ko ng role is mas truthful."

Ano naman ang naging reaction ni Snooky nang mapanood ang kanyang performance?

Aniya, "She was happy with how I delivered the lines, how I portrayed the scenes doon sa mga pinakita sa trailer. She's happy din na I accepted the role. Ang bait niya, ang gaan niyang kausap. She's very motherly."

Huwang palampasin ang "Ang Babae sa Likod ng Blusang Itim: The Ups and Downs of Snooky Serna" ngayong Sabado, September 1, sa Magpakailanman.