
Isa sa mga pinag-usapang eksena sa katatapos lang na 'I Can See You: Truly. Madly, Deadly.' ay ang naging kissing scene sa pagitan ng dalawang bidang aktres na sina Rhian Ramos at Jennylyn Mercado.
Sa isang ekslusibong panayam, nagkuwento ang Kapuso Sweetheart na si Rhian tungkol sa eksena.
“Nu'ng nabasa ko pa lang 'yun sa script, naisip ko, 'Ah wala 'yan, daya 'yan.' Dadayain lang 'yan.
“And then pagdating ko sa set tinanong ko kaagad si Direk [tungkol sa] mga sampal, kissing, hawakan, alin du'n 'yung mga dadayain at alin du'n 'yung mga hindi.
“Sabi niya, 'Nasa inyo 'yon.' Tapos nu'ng tinanong niya si Jen, okay naman din sa kanya. So ako parang, 'Okay!'
Dahil confident naman siyang ligtas para sa kanila ni Jennylyn ang naturang scene ay pumayag din siya rito.
“Kasi lahat naman kami nag-swab test or we've been taking care of ourselves, taking immunity meds, and everything.
“So at the time, talagang confident kami na safe naman,” sabi ni Rhian.
Inamin din niya na naging kondisyon niya sa production team ng mini-series na gagawin niya ang kissing scene kung siguradong ieere ito.
“Actually, ako iniisip ko na kung eere siya, gagawin ko. Kasi nakagawa na ako ng mga kissing scene na hindi inere. Kung eere 'yan gagawin ko. Kasi bakit pa tayo magri-risk sa panahon ngayon kung hindi naman,” aniya.
Samantala, nagpapasalamat ang aktres na tinangkilik nang husto ng viewers ang “Truly. Madly. Deadly.”
“Actually, hindi ko alam kung ano 'yung ie-expect ko kasi alam ko naman na mas nae-excite ang mga tao 'pag matindi 'yung love story. And for us, more on psychological, thriller, something.
“So, I'm just hoping na makita ng iba 'yung nakita ko sa script na napaka-suspenseful and exciting niya. And mukhang nag-work judging du'n sa mga reactions,” sabi pa ng aktres.
Gumanap si Rhian bilang si Abby sa serye. Siya ang high school best friend-turned-enemy ni Coleen na ginampanan naman ni Jennylyn.
Muling nagkrus ang landas nila matapos ang ilang taon nang mapadpad si Abby, na isa nang sikat na travel vlogger, sa pinagtatrabahuhang resort ni Coleen.
Mag-iiba naman ang takbo ng buhay nila dahil kay Andrew, karakter na ginampanan ni Dennis, ang mahiyain at tahimik na IT technician sa resort.
Kasama rin nila sa serye sina Jhoana Marie Tan, Ruby Rodriguez, at Ollie Espino.
Balikan ang mga kapana-panabik na tagpo sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly. DITO.