
Kahit ex ka pa ng ex ko, puwede pa rin tayong maging friends?
Inihahandog ng GMA ang isang kakaiba at nakakaaliw na bagong Kapuso teleserye na pagbibidahan nina Kapuso actresses Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe.
Iikot ang istorya nito kina Zoe, Darcy at Alex na mabubuo ang natatanging pagkakaibigan pagkatapos nilang malaman na iisa ang kanilang ex-boyfriend. Magaganda, admirable, aspirational at #bodygoals, paano nila mao-overcome ang petty squabbles at iringan bago maging magkakaibigan?
Si Rhian ang gaganap na Zoe at masaya daw siya dahil gustung gusto niyang mapabilang sa isang comedy matapos ang huli niyang heavy drama project na Sinungaling Mong Puso.
"I feel very lucky to be given a chance to play a comedy. I can't believe that I'm being listened to. My prayers have been heard!" pahayag ni Rhian sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Para naman gampanan ang karakter na si Darcy, may isang bagay na lubos na kailangang paghandaan ni Max.
"I think the character is badass because she rides a motorcycle. I'm at the gym everyday and I'm learning to ride a motorcycle. It's so hard because I'm so girly pa naman," ani Max.
Samantala, excited namang gumanap si Lovi bilang Alex sa kanyang unang romcom sa telebisyon.
"I really want to do something new. I already did comedy with my last movie. This time naman I'm so excited to be doing a romcom, a light teleserye. Uuwi na ko ng bahay without a heavy heart," kuwento ni Lovi.
Abangang ang light-hearted romantic comedy na ito, soon on GMA Telebabad!