What's Hot

EXCLUSIVE: RJ Padilla, kumusta ang buhay sa labas ng showbiz?

By Aedrianne Acar
Published January 27, 2020 4:26 PM PHT
Updated January 28, 2020 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

RJ Padilla life outisde showbiz


Umamin si RJ Padilla na isang “humbling experience” nang iwan niya ang showbiz upang manirahan sa Australia.

Maraming na-realize ang nagbabalik-showbiz na si RJ Padilla.

Matatandaan na lumipad papuntang Australia ang comedy actor kasama ang kanyang pamilya noong 2017.

Ngayong taon, muling nakapag-guest sa Bubble Gang ang anak ng action star na si Rommel Padilla.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay RJ ngayong hapon, January 27, sinabi ng aktor na mas na-appreciate niya ang maliit na bagay simula noong nag-trabaho siya sa Australia.

Wika niya, “Mas na-appreciate ko 'yung trabaho ko dito sa Bubble Gang simula noong nagtrabaho ako sa ibang bansa.

“'Yung mga maliit na bagay mas napansin ko. Let say, 'yung 'pag hindi ka kailangan may opportunity ka matulog, puwede ka manood.”

“So 'yung ganun mas na-appreciate ko 'yung maliit na bagay na wala sa Australia.”

Hindi pa rin makapaniwala si RJ Padilla na muling makapagtrabaho sa dati niyang show na Bubble Gang at taus-puso ang pasasalamat niya sa mga bumubuo nito sa pag-welcome sa muli sa kanya.

“Unang-una, gusto ko magpasalamat sa Diyos kasi lahat naman 'to siya ang may gawa.

“Hindi ko ine-expect na makakabalik sa trabaho ko ulit sa Bubble Gang, sobrang pasalamat ko at welcoming ang Bubble Gang family.

“At 'yung mga tao, siyempre, napamahal na rin sa akin at napamahal na rin ako sa kanila.

“At sobrang thankful talaga ako, sobrang hindi ko kaya i-explain.

“Pero sabi ko na lang lahat na lang ng mga nangyari na ito ay gawa ng Panginoon.”

LOOK: Is RJ Padilla brewing a showbiz comeback?

RJ Padilla, muling mapanonood sa 'Bubble Gang?'