
"Huwag nilang paliitin 'yung mundo nila" - RJ Padilla
Matapos ang maraming mga ispekulasyon, inamin na rin nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang tungkol sa kanilang engagement at sa batang ipinagbubuntis ni Kylie.
Masaya raw si GMA comedian RJ Padilla para sa kanyang pinsang si Kylie at sa fiance nitong si Aljur.
"Blessing naman talaga ang bata kasi 'yung mga ibang mag-asawa gustung-gusto magkaanak, pero hindi nagkakaanak. Katulad nila, nagkaroon sila ng ganoon kadali lang. Wala silang dinaanang proseso, 'di katulad ni Tita Mariel [Rodriguez]'di ba? Ang daming pinagdaanan! Natutuwa ako para sa kanila na hindi sila nagdaan sa ganoon process," paliwanag ni RJ sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
May mensahe rin daw na nais iparating ang komedyante sa newly-engaged couple.
"Huwag silang matakot humingi ng tip or payo sa mga nakakatanda sa kanila. Saka, huwag nilang paliitin 'yung mundo nila," sambit ni RJ.
Busy naman si RJ sa paghahanda ng isang espesyal na proyekto na maaaring asahan ngayong taon.
Mapapanood din siya sa longest running comedy show sa bansa, Bubble Gang, tuwing Biyernes, pagkatapos ng Meant To Be sa GMA.
MORE ON KYLIE AND ALJUR:
LOOK: Kylie Padilla and Aljur Abrenica, out on a movie date
Aljur Abrenica, pinaghain si Kylie Padilla ng 'craving' nito
Photos by: @rjpadillaaa(FB)