
Pinaghahandaan na ni Rocco Nacino ang kanyang future dahil bukod sa pagkakaroon ng businesses ay nagpapatayo na rin siya ng sariling bahay.
LOOK: 32 Celebrity entrepreneurs and their businesses
Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com sa kanyang birthday charity event noong March 17, binahagi ng aktor na isa sa birthday wishes niya ang kanyang dream house.
Kuwento niya, "More projects, and ang goal ko sa sarili ko for this year and next year is to finish my house. Sana magkaroon ako ng maraming, maraming projects so I can finish that and move on to the next chapter of my life."
Dagdag pa ni Rocco, sa Antipolo raw ito at siya mismo ang pumili ng location.
"Ang haba pala ng proseso nun, pag-secure ng permits and stuff. Pero ito na, pa-start na 'yung construction. A house with a nice view."
Kamakailan ay pumunta siya sa Japan para sa endorsement ng isang eyewear brand.