
Interview by FELIX ILAYA
Nitong October 10 ay nag-propose na si Rodjun Cruz sa kanyang longtime girlfriend na si Dianne Medina. Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com ay ibinahagi ni Rodjun ang ilang importanteng detalye na nangyari sa kanilang espesyal na araw.
Kuwento ni Rodjun ay two years in the making ang kanyang proposal. Aniya, "Parang naisip ko na siya two years ago. [Naisip ko siya gawin] sa 30th birthday ko."
Ayon sa Kapuso actor ay kumunsulta siya sa kanyang pamilya at pamilya ni Dianne sa kanyang planong proposal.
"Kinausap ko 'yung kuya ni Dianne tsaka 'yung cousin ko. Sabi nila, okay parang maganda nga 'yun bro. Pero siyempre, two years ago pa 'yun, usap-usap pa lang. Idea pa lang. Itong year na 'to, nag-10 years na kami so parang iniisip ko na ituloy na 'yung proposal."
Ibinahagi rin ni Rodjun kung paano niya siniguradong masosorpresa si Dianne sa proposal sa Boracay.
"Si Dianne, magaling siya eh so malalaman niya eh. Gusto ko parang ginawa ko 'yung proposal, nag-propose ako sa kanya na magugulat talaga siya, hindi niya malalaman. Wala siyang idea. Tinayming ko siya na birthday ko kasi ang maiisip niya talaga, parang celebration lang talaga. Kasi pag nag-celebrate ako ng birthday ko, family talaga ang kasama ko."
Perfect at blessed unano ang araw ng kanyang proposal.
Aniya, "Alam mong blessed talaga ni Lord na ang ganda ng sunset, 'yung timing grabe. Sobrang perfect lahat siyempre nandoon 'yung daddy niya, 'yung sister niya, 'yung brother niya tapos 'yung family ko nandoon din. 'Yung mama ko, sila Rayver, 'yung mga importanteng tao sa akin nandoon sila. Nasaksihan nila 'yun."
Iba raw ang sayang naramdaman ni Rodjun lalo na't nagawa niya nang maayos ang kanyang proposal kay Dianne.
"Si Dianne sobrang nagulat siya 'di niya talaga inaasahan. Naiyak talaga siya. Iba talaga 'yung feeling, sobrang saya."
Congratulations, Rodjun and Dianne!