What's Hot

EXCLUSIVE: Rodjun Cruz, may ibinuking tungkol kina Janine Gutierrez at Rayver Cruz

By Bea Rodriguez
Published March 19, 2018 4:20 PM PHT
Updated March 19, 2018 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Jasmine Paolini? Alex Eala's Round of 32 foe at the Dubai Tennis Championships
My slow descent into SB19
How to cook 'Beef Broccoli' and 'Steak Tartare' | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na nga ba? Alamin sa kapatid ng aktor na si Rodjun Cruz!

Ibinuking ni Kapuso star Rodjun Cruz ang status ng rumored couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

“Ang alam ko, masaya sila,” patawang sinabi ng kapatid ni Rayver sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dagdag pa ni Rodjun, “’Pag magkasama sila, sobrang saya nila. Love ko si Rayver [at] sobrang close ko iyon pero nirerespeto ko rin siya eh. Hindi na ako nagtatanong pero makikita ko naman na masaya silang dalawa. Madalas kung walang work, palagi silang magkasama.”

Boto raw ang aktor sa kung ano’ng mayroon sina Janine at Rayver, “Sobrang happy ako para sa kanilang dalawa kasi si Janine [ay] mabait [at] si Rayver [din ay] mabait tapos parang magkamukha na sila eh so hinahayaan ko silang mag-enjoy. Sila na bahala kung ano man ang kuwento nila. Sila na ang magsabi.”

Noong nakaraang linggo ay inamin ni Janine na single siya pero may dine-date siya ngayon. Si Rayver naman ay bukambibig ang aktres sa kanyang mga interviews.