Naipalabas na ang 2016 version ng iconic Encantadia scene kung saan sinabi ni Danaya (Sanya Lopez) kay Aquil (Rocco Nacino) ang katagang "I love you!" na galit ang emosyon.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Sanya, inamin niyang kinabahan siya nang kinunan ang isa sa sikat na scenes ng orihinal na telefantasya. Aniya, "Actually medyo kinakabahan ako habang ginagawa ko 'yun kasi nga iconic siya and nakakatakot na ma-compare sa dati."
"Pero sinabi naman kasi na iba-iba kasi ng atake [ang mga artista] so this time, iba 'yung atake ko kasi baka 'pag biglang iniba ko sa part na 'yon at nakopya ko sa dati, mag-iiba 'yung tingin ng tao. Kaya pinanindigan ko kung ano 'yung atake ko."
Aminado rin siyang medyo nahirapan siya dahil 'di niya maiwasang maalala ang eksena noon ng orihinal na Danaya na si Diana Zubiri. Saad niya, "Before pa mag-start 'yung Encantadia [ay] napanood ko ['yung eksena]. Mali yata ang nangyari na napanood ko siya. Pero inalis ko naman 'yon during taping."
Pero bukod sa kaba, mas nangibabaw raw ang katatawanan sa taping nang kunan ang eksena. Ani Sanya, "Actually nakakatawa noong umpisa kasi sinasabi mo 'yung part na "I love you!" nang galit. Paano mo sasabihin pero kailangan mo seryoso ka?"
Dagdag pa niya, "Naroon pa si Mikee [Quintos] tapos [nakakatawa pa siya]. So kailangan mong i-control 'yung sarili mo na madala sa sasabihin mo."
Panoorin ang 2016 version ng iconic scene na "I love you!"
Encantadia: “I love you!” | Episode 86 by encantadia2016
?MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on November 14
EXCLUSIVE: Glaiza de Castro reacts to her audition video for 'Encantadia'
EXCLUSIVE: Sanya Lopez reacts to her audition video for 'Encantadia'