
Kahit isa sa pinakamagaling sa showbiz ang Kapuso Comedy genius na si Michael V., napansin pa rin ng comedian na si Sef Cadayona na kinakabahan pa rin ito sa nalalapit na pagpapalabas ng comeback film niya na Family History.
Ito ang ikinuwento ni Sef nang makapanayam ng GMANetwork.com sa Artist Center folio shoot sa Empire Studios sa isang mall sa Taguig last July 4.
Gayunman, naniniwala ang Kapuso actor na hindi matatawaran ang comedy na mapapanood sa Family History.
Wika ni Sef, “Siyempre, it's his first baby project, so lahat naman yata ng tao kakabahan pag ganun.
“Pero for us, very confident na kami na it will turn out very, very funny.”
LOOK: Michael V., pinagkaguluhan ng fans sa isang sinehan sa Mandaluyong
Tinawag din ni Sef Cadayona na isang magandang halimbawa si Direk Michael sa kasabihan na nagbubunga ang lahat ng pinaghihirapan.
Aniya, “He will always be one of the greatest example na paghihirapan mo talaga yung isang bagay, eventually, you will get it--si Kuya Bitoy yun.”
“Kasi, this is his first na ginawa niya [Family History], na ang hirap mag-direk, magsulat at umaarte at the same time.
“And he made it to the point na on the dot covered niya lahat yun.”
Mapapanood na ang Family History sa mga sinehan nationwide simula July 24.