
Eeksena na rin pati sa Madrasta ang trending co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si “Sexy Hipon” Herlene Budol.
IN PHOTOS: Kilalanin si “Sexy Hipon” Herlene Budol
Nagsimula na mag-taping si “Sexy Hipon” kasama sina Arra San Agustin, Juancho Trivino, Thea Tolentino at ibang cast ng Madrasta.
Sa ilang litrato, makikitang sexy ang Wowowin co-host habang nasa beach kasama ang iba pang mga bida ng Kapuso afternoon drama.
Maging kakampi kaya siya ni Audrey o tutulungan niya si Katharine na lalong pahirapan ang buhay nito? Patuloy na tumutok tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas!