What's Hot

EXCLUSIVE: "Sexy Hipon" Herlene, nagkomento sa kanyang best new female personality nominations

By Cherry Sun
Published October 4, 2019 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol as Sexy Hipon in Wowowin


Malaki ang pasasalamat ni Herlene Budol, aka Sexy Hipon, sa mga di inaasahang biyayang natatanggap niya ngayon.

Masaya at nagpapasalamat si “Sexy Hipon” Herlene Budol sa tinatamasang recognition bilang bahagi ng Wowowin.

“Sexy Hipon” Herlene Budol
“Sexy Hipon” Herlene Budol

Sa katunayan, ang co-host ni Willie Revillame, nakatanggap pa ng mga nominasyon bilang bagong personalidad sa telebisyon.

Naunang ma-nominate si Sexy Hipon bilang Best New Female Personality sa 33rd PMPC Star Awards for Television. Nasundan pa ito ng isang nominasyon sa 5th RAWR Awards 2019 bilang Favorite Newbie.

READ: Kapuso actors and shows nominated for 33rd PMPC Star Awards for TV

Aniya, “Pleasure. Nakaka-overwhelm… Hindi ko inexpect talaga na mapupunta ako sa ganung part.

“May mga nagse-send lang sa akin, 'Congrats.' Hindi ko naman alam kung ano pero thank you. Unang-una kay God, tapos pangalawa kay Kuya Wil, sa mga tao dito [sa Wowowin].

"Binigyan nila ako ng chance na makilala ng lahat, na maipakita kung ano meron ako na maski sarili ko. Hindi ko napapakita sa sarili ko dati na magiging ganito ako.”

Labis ang pagpapahalaga ni Herlene sa kanyang nominations kahit hindi pa man siya nananalo.

Pahayag niya, “Dati kasi nag-e-extra-extra ako. Blurred lang ako. Ngayon may sarili na akong kanta. Parang nakaka-touch. Binigyan ako ng break ni God at saka ni Wil.”