What's on TV

EXCLUSIVE: Shayne Sava, pagsasabayanin ang pag-aaral at 'StarStruck' stint

By Aedrianne Acar
Published June 26, 2019 3:26 PM PHT
Updated June 26, 2019 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Determinado ang StarStruck hopeful na ipagpatuloy kanyang pag-aaral habang lumalaban sa pinakabagong season ng reality-based artista search on TV na StarStruck.

Determinado ang morena beauty na si Shayne Sava na tuparin ang dalawa niyang goals sa buhay--ang ipagpatuloy ang school at masungkit ang title ng Ultimate Female Survivor.

Shayne Sava
Shayne Sava

Kasama si Shayne sa Final 14 ng pinakabagong season ng reality-based artista search on TV na StarStruck.

Hindi pa rin daw makapaniwala si Shayne na sa dami ng nag-audition sa StarStruck, nagin parte na siya ng Final 14.

Wika niya, “As a person po na wala po talagang workshop kahit ano na parang super baguhan po sa showbiz po nagulat po ako, kasi wala talaga akong experience nung nag-audition po ako dito.”

Ano naman ang pakiramdam na humarap sa members ng StarStruck council?

Ani Shayne, “Nakakaintimidate kasi siyempre po super high class persons na po sila. Nakaka-motivate na ibigay po talaga yung best niyo po palagi para po ma-impress po sila sa mga gagawin ko.”


Bukod sa potential niyang maging next big star ng Kapuso Network, focus din siya sa kanyang pag-aaral.

Nasa Grade 12 na si Shayne Sava at running for honors pa ang StarStruck hopeful.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Shayne, sinabi nitong determinado siyang pagsabayin ang pag-aaral at tuparin ang dream niya maging artista.

Paliwanag niya, “Pag wala po akong workshops and rehearsals pumapasok po ako sa school, kasi mas gusto ko pa rin po nag-aaral kahit focus din ako sa career.”

“There is nothing impossible na gusto niyo po talaga yung isang bagay. Kaya niyo po siya gawan ng paraan.”