
Fitness goals ng marami ang veteran actress/singer na si Sheryl Cruz na kitang-kita ang pagpayat matapos siyang mag-umpisang mag-workout gamit ang hula hoops.
EXCLUSIVE: Kiko Estrada says 'My Guitar Princess' will showcase strong family values
Sa katunayan, patok sa Instagram ang hula hoop videos niya at minsan pa ay nag-try siyang mag-hula hoop suot ang kaniyang stilettos.
Sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com, naikuweto ng magaling na singer kung bakit niya napili ang ganitong klaseng exercise.
Aniya, “Eh sabi ko nga seseryosohin ko na ‘to kasi nga parang minsan tinatamad na ako mag-zumba, kasi nga parang pare-parehas ‘yung tugtog, pare-parehas ‘yung sayaw. And then sabi ko I need to do something, another cardio workout that would work for me. So, I tried it and then low and behold ‘yun nga sinabihan ako na you start again with the weighted hula hoop. And then gradually worked your way up to a heavier weight.”
“What I started using is ‘yung core ko nag 2.5lbs. 'Yun ‘yung first ko and then as I get the hang of it para kasing bumalik sa pag-ride ng bicycle. Alam mo ‘yun 'di ba ang galing mo na dati ganiyan-ganiyan biglang ang daming nangyari, ang daming pinag-aralan? Nakalimutan mo gawin tapos nun ayun na naman. Kumbaga, ano naman ‘yung dapat gawin ko na magpapa-excite sa akin na actually will give me that feeling that I have to lookforward to another workout, ‘yung ganiyan. So it was actually hula hooping with a dance,” paliwanag niya.
Pero binigyang diin ni Sheryl na hindi sapat ang pagwo-workout lamang. Kailangan din daw ay may sinusunod na diet plan para maging successful ang pagbabawas ng timbang.
“Plus it’s not only the Zumba and it’s not only the hula hoop dancing. Still up to now, I’m still following a diet plan that was given to me by a nutrionist. I’m in my 40s to actually been given a chance to drop so much weight. 'Di ba 'yung ganiyan and to look like a college student again according to my fans, I’m very-very flattered,” saad niya.
Dagdag din ng Kapuso actress na patuloy lamang siya sa pagpo-post ng mga hula hoop videos niya. Ayon din kay Sheryl, nalaman niya na nagkaubusan daw ng hula hoop sa isang sikat na mall sa Pasay simula raw na mag-start siyang mag-post ng kaniyang workout videos.
“Sa mga na-inspire ko naman, I’m actually very happy that I’ve inspired you. The reason why I’m continuing doing the hula hoop videos is because all the posts that you've given me. Nalaman ko na lang dun sa MOA (Mall of Asia) isang beses nag-sold out sila ng hula hoops. Oo nung nag-start ako mag-hula hoop video and then online they’ve been buying,” pahayag niya.
Abangan si Sheryl Cruz sa pinakabagong musical/romcom series na My Guitar Princess soon on GMA Network!