
Matapos maipanganak si Baby Stellar, muling magbabalik-telebisyon si Kapuso actress Chynna Ortaleza dahil kabilang siya sa cast ng Mulawin VS Ravena.
"I did some guestings for a while but this is my comeback series after The Rich Man's Daughter. Makikita niyo ulit ako sa TV araw-araw tapos Mulawin VS Ravena pa 'yung project so malaking privilege for me," bahagi ni Chynna sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Ngayong balik-showbiz na ulit si Chynna, ibig sabihin nito ay mababawasan na ang oras niya sa anak niyang si Stellar. Kuwento nga ng aktres, nahihirapan nga raw siya ngayon dahil nagpaalam nang umalis ang nanny ng anak nila ni Kean Cipriano.
"It's actually quite a struggle. I have to thank my parents for being supportive and for really taking care of her while Kean and I are away at work. Hopefully, magkaroon na kami ng maayos na nanny. If not, I'll figure something out," saad niya.
Minsan daw ay naiisip ni Chynna na isama si Stellar sa taping ngunit panibagong problema lamang daw ito dahil natatakot ang baby sa kanyang hitsura bilang si Rashana.
"She's scared of me. Umiiyak talaga siya. Ayaw niya si Rashana. I showed her. I went home kasi after the story conference with my makeup on and she started crying. So parang oops, hindi niya ako kilala," natatawang bahagi ni Chynna.
Taong 2016 nang ipanganak ni Chynna si Stellar at noong nakaraang April 21 lamang ay nag-celebrate ang kanilang baby ni Kean ng kanyang first birthday.
LOOK: Chynna and Kean take daughter Stellar to art exhibit on first birthday
Abangan si Chynna bilang si Rashana sa Mulawin VS Ravena, this coming May on GMA Telebabad.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':
EXCLUSIVE: 'Mulawin VS Ravena' star Angelu de Leon, guwapong-guwapo kay Miguel Tanfelix
WATCH: #PubertyChallenge: The 'Mulawin' Edition