
Hindi naitago ng Kapuso hunk na si Kiko Estrada ang pagkasabik sa nalalapit nilang taping para sa pinakabagong musical romcom series ng Kapuso Network na My Guitar Princess.
Kasama ang guwapong binata sa lead stars ng soap kung saan bibida rin ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose at model-actor na si Gil Cuerva.
Last TV project ni Kiko ang higanteng telefantasya series na Mulawin VS Ravena kung saan gumanap siya bilang kontrabida na si Rafael.
Sa one-on-one interview niya sa GMANetwork.com nito lamang Biyernes, sinabi ni Kiko na napakahalaga sa kaniya na gumaganap siya ng iba’t ibang klaseng roles, mapa-bida man o kontrabida ito.
Aniya, “It’s versatility over everything. Adapt or die. So yeah, I like to show my range and I like to show I can play anything. I think that’s the basic want of all actors.”
Looking forward din siya na finally ay makakatrabaho na niya ang award-winning singer na si Julie Anne San Jose sa kanilang very first soap together. Wika niya, “It’s gonna be the first teleserye na me and Julie [Anne San Jose] are gonna work together. So, it’s very exciting so yeah I was happy to see her noong meet and greet and yeah it was so fun kasi ang tagal ko nang gustong makatrabaho si Julie and of course Gil Cuerva.”