What's on TV

EXCLUSIVE: Snooky Serna, natutuwang katrabaho si Kristoffer Martin

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 29, 2020 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang masasabi ni Snooky tungkol kay Kristoffer?

Hitik sa mga beteranong artista at mga bagong mga aktor ang GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.

Bilang isa sa mga nakakatandang miyembro ng cast, masaya raw si Snooky Serna na makatrabaho ang mga mas nakababatang mga artista. 

"I'm so happy, truthfully. I'm always so excited to be able to work with our young ones. Natutuwa naman ako and I'm so thankful na hanggang ngayon, sa awa ng Diyos na nakakasama ko pa rin 'yung mga 'yun," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Gumaganap si Snooky bilang Laura na nanay ni Junjun, na ginaganapan naman ni Kapuso actor Kristoffer Martin. 

"Tuwang tuwa ako kay Kristoffer kasi napakagalang, napaka-gracious. He's really very respectful. Sabi ko, my goodness naman! Parang feeling ko naman dito kay Kristoffer para naman akong si Ms. Gloria Romero—given the accolade and the respect. He really looks up to us na 'yung mga dati nang nasa industriya," paglalarawan niya. 

Maganda naman daw ang nakikita niya sa magiging takbo ng career ni Kristoffer at ng iba pa niyang younger co-stars. 

"Ito, it's Kristoffer Martin's time and Joyce's (Ching) time. Si Thea din. I'm so happy to be able to work with them," aniya. 

Umaasa naman siyang may matututunan siya mula sa mga ito sa parehong paraan na may mapupulot din ang mga ito mula sa kanya. 

"It's going to be a trip to be working with them. Parang ang sarap na mag-share kami ng ideas because I know he has fresh ones. Hopefully, I can share mine. Sana meron naman akong ma-share," pagtatapos niya. 

Patuloy na panoorin si Snooky sa Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos, sa GMA Afternoon Prime!

MORE ON SNOOKY SERNA:

EXCLUSIVE: Snooky Serna, 'flattered' na maka-pareha si Marc Abaya

EXCLUSIVE: Snooky Serna, masaya sa improvement ng prosthetics