GMA Logo Sofia Pablo
What's Hot

EXCLUSIVE: Sofia Pablo, nilinaw na hindi sila magkasama ni Allen Ansay ngayong quarantine

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 8, 2020 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


Kahit madalas makitang magkasama sa kanilang TikTok videos sina Sofia Pablo at Allen Ansay, nilinaw ng dalaga na hindi sila magkasama ngayong umiiral ang quarantine.

Nilinaw ni Sofia Pablo na hindi sila magkasama ni StarStruck Season 7 First Prince Allen Ansay ngayong ipinatutupad ang quarantine sa buong Luzon.

Madalas kasing mag-upload ng TikTok videos at vlogs si Sofia kung saan kasama niya si Allen.

'Prima Donnas' star Sofia Pablo's TikTok with Allen Ansay reaches 1M views in 24 hours!

Paliwanag ni Sofia, “Ika-clarify ko lang po sa lahat na hindi po kami magkasama ni Allen. Matagal na po kasing nakuhan 'yung mga vlog na 'yun and TikTok videos.”

Ayon kay Sofia, minsan ay nagsu-shoot sila ng lima o anim vlog noong magkasama pa sila.

“Pag nagba-vlog kami, I think five to six videos per day kaya marami kaming nakapondo na vlogs.”

Ibinahagi rin ni Sofia kung anu-ano pa ang mapapanood sa kanilang YouTube account na mayroon nang 25,000 subscribers at sa sarili niyang YouTube channel na mayroong 188,000 subcribers.

Panoorin ang sagot ni Sofia sa Kapuso Showbiz News na ito:


Sofia Pablo at Allen Ansay, nag-away dahil sa 'Jojowain o Totropahin' challenge?