
Naging emosyonal ang naging huling episode ni Rhian Ramos sa Taste Buddies nitong September 29. Sa isang exclusive interview ay inalam ng GMA Network ang pakiramdam ni Solenn Heussaff sa pag-alis ni Rhian na itinuturing niya nang isa sa kanyang mga kaibigan sa industriya.
Ayon kay Solenn, ilang beses na siyang nabigyan ng bagong co-host ng Taste Buddies. Ilan sa mga ito ay sina Isabelle Daza, Iya Villania at ang pinakahuli ay si Rhian. Kuwento pa ni Solenn ay malungkot man siya sa pag-alis ni Rhian ay wini-wish niyang maging maayos ang kanyang pag-aaral sa New York.
"Sa almost seven years sa Taste Buddies, almost every two years iba 'yung co-host. It's sad to see a good friend go kasi siyempre naman nagiging close kami sa show. But she's going there to spread her wings and learn new things. So masaya naman ako para sa kanya."
Isang mensahe naman ang ibinigay ni Solenn sa kanyang former Taste Buddy sa kanyang bagong adventure na haharapin. Aniya, "Good luck sa studies niya sa New York. I'm sure makakarating ng malayo. She'll be back and she'll make us all proud."