What's on TV

EXCLUSIVE: Sophie Albert, inaming marami pa silang kissing scenes ni Rocco Nacino sa 'Pamilya Roces'

By Jansen Ramos
Published October 30, 2018 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Ni-reveal ni Sophie sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com na patikim pa lang ang mga naunang daring scenes nila Rocco at dapat raw abangan ang mas marami pa nilang kissing scenes. Read on!

Kinaiinasan pero early favorite ngayon sa Roces sisters si Amber na ginagampanan ni Sophie Albert sa Pamilya Roces.

EXCLUSIVE: Sophie Albert reveals portraying Amber in 'Pamilya Roces' made her more comfortable with herself

Kwela at palaban kasi itong si Amber pero may kapusukan rin pala! Third party siya sa mag-asawang Hugo (Rocco Nacino) at Crystal (Carla Abellana).

Ni-reveal ni Sophie sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com na patikim pa lang ang mga naunang daring scenes nila Rocco at dapat raw abangan ang mas marami pa nilang kissing scenes.

Sabi niya, "Naku, marami-rami pa. Hindi pa rin siya tumitigil so let's see kung hanggang sa'n namin matatago 'yung sikretong 'to."

Hindi lang naman focused ang Pamilya Roces sa love triangle nina Amber, Rocco at Crystal (Carla Abellana) dahil linggu-linggo ay may rebelasyong mabubunyag. Pero sa kabila ng mga matitinding eksena, sinisigurado ni Sophie na saya pa rin ang kanilang handog gabi-gabi.

"Hindi nawawala 'yung pasabog weekly so ayun abangan nila. It gets more and more intense kasi the past weeks, it's more of getting to know each character pa lang, now na kilala na 'yung mga characters, dun na lumababas 'yung away, mga bangayan, mga pasabog na matitindi but its going to be light and funny," saad ng 28-year-old actress.

Sa dulo ng panayam, nagpasalamat si Sophie sa mga patuloy na sumusubaybay sa serye.

"Thank you to everybody who watches Pamilya Roces gabi-gabi, sa mga nagti-tweet, thank you so much. Natutuwa ako kasi nababasa ko lahat ng tweets ng mga tao."

"Sa mga Team Amber diyan, thank you so much and continue watching lang until the very end kasi marami pang pasabog ang Pamilya Roces na kaabang-abang." wika niya.