
“After StarStruck doon talaga 'yung totoong laban.”
Ito ang mensahe na gusto ipaabot ng mga StarStruck graduate na sina Chariz Solomon, Analyn Barro at Arra San Agustin sa mga hopeful na hindi makakapasok sa Final 14 ng Season 7 ng StarStruck.
Sa exclusive interview ng tatlo sa GMANetwork.com, ipinaalala nilang lahat na maraming opportunity ang magbubukas kahit hindi ka manalo sa reality-based artista search.
Ayon kay Chariz, minsan malalaman ng isang contestant pagkatapos sa StarStruck ang gusto nilang tahaking career sa showbiz.
Paliwanag niya, “Doon sa competition kailangan talaga gawin mo dun kung ano 'yung gusto mo gawin for a long time, pero if hindi mo naman mahanap doon, after talaga mahahanap mo 'yung what's for you talaga.”
Sumang-ayon dito ang Bubble Gang co-star niya na si Analyn Barro na produkto din ng show.
Dagdag ng morena beauty na 'hindi dapat sumuko' ang hopefuls na hindi mapapabilang sa Final 14.
“No matter man matalo kayo or manalo, lagi niyo tatandaan na the real competition is after StarStruck. Kahit man kasi sabihin hindi ka nanalo, hindi ibig nung sabihin na wala kang opportunity para ipakita 'yung talent mo, wala kang opportunity para maging part ng show.”
“Kasi, I, myself, hindi naman ako nanalo eh. Hindi mo man nakuha 'yung title [Ultimate Male and Female Survivor] na 'yun susuko ka na ba kaagad?"
Hindi rin pinalad manalo sa StarStruck ang Kapuso actress na si Arra San Agustin na umabot sa Top 6 ng talent search sa season 6 ng show.
Payo ng dalaga na hindi katapusan ng mundo ang hindi nila pagkakasama sa next stage of the competition.
Wika ni Arra, “It's not the end of their lives. It's not the end of the world, they can do something else pa naman with their career.”
“I guess dun sa mga hindi nakasama ngayong Final 14, God has a plan for them.”