What's on TV

EXCLUSIVE: Tekla, sobrang nagpapasalamat sa viewers ng top-rating soap na 'Inday Will Always Love You'

By Bea Rodriguez
Published June 6, 2018 7:44 PM PHT
Updated June 6, 2018 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA All-Star: Keshad Johnson wins dunk contest; Damian Lillard wins 3rd 3-point contest
Francis Libiran spotlights signature designs in new home collection
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship

Article Inside Page


Showbiz News



Mahigit dalawang linggo nang patuloy na sinusubaybayan ang bonggang romantic-comedy Primetime series ng GMA, ang 'Inday Will Always Love You.'

Mahigit dalawang linggo  nang patuloy na sinusubaybayan ang bonggang romantic-comedy Primetime series ng GMA, ang Inday Will Always Love You. Back-to-back ang panalo at lalong lumalaki pa ang puwang sa ratings laban sa kalabang show.

 

 

Bukod sa nangunguna ang GMA Telebabad soap sa Philippine trends, malawak din ang people audience share o ang mga nanonood ng seryeng pinagbibidahan ni Kapuso star Barbie Forteza at ng kanyang mga Kapuso leading men na sina Derrick Monasterio at Juancho Trivino.

 

On behalf of the whole cast, nagpasalamat ang komedyante na mainit ding tinanggap sa show. Ani Tekla sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “Talagang sobrang nagpapasalamat kami sa mga Kapuso natin na talagang mainit na tinanggap ‘yung Inday Will Always Love You.”

Worth it umano ang paggawa ng show, “Nagbunga ang pinaghirapan, ‘yung aming puyat, ‘yung aming determinasyon at saka ‘yung effort namin. Blessings [from] the skies [na] parang magnet [dahil tinanggap] agad ng mga Kapuso nating manonood [na] nagbigay ng remarkable ratings.”

In-enjoy lang daw nila ang bawat taping at hindi nila inaasahan na makakuha ito ng mataas na ratings.

Kakapulutan ng inspirasyon at positibo na pananaw sa buhay ang serye, ayon kay Tekla na nakaka-relate sa kwento ng Inday Will Always Love You, “Being positive kahit ano ang pinagdaanan mo [at saka] ‘yung realidad ng buhay ng tao. Total package, kumpleto rekados!”