
Matapos ang halos tatlong taon, marami pa rin ang kinikilig at sumusuporta sa grupong That’s My Bae na nabuo sa Eat Bulaga. Paano kaya nila mine-maintain ang kanilang charming image bilang mga tinaguriang bae?
EXCLUSIVE: That's My Bae, ibinahagi ang sikreto ng kanilang matagumpay na career
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento nina Kim Last, Tommy Peñaflor, Kenneth Medrano at Miggy Tolentino kung paano nila napapanatili ang kanilang pagiging bae.
Ayon sa kanila, binabantayan nila ang kanilang fitness at nakikinig sa komento ng ibang tao tungkol sa ano ang nababagay sa kanila.
Paliwanag ni Kim, “Sa akin gym ng gym. Napansin ko na parang pangit sa akin ‘pag medyo malapad kasi 6’1” lang ako. Medyo mapangit pag malaki katawan so ang ginagawa ko ngayon is bina-balance ko ‘yung ginagawa ko sa gym para hindi ‘yung ‘Uy, malaki katawan niya.’ Pero pag may scene na kailangan ko maghubad ng shirt, ‘yun na, ‘Uy, may ganito pala si Kim.’”
Samantala, binigyang-diin din ni Tommy ang kahalagahan ng pag-uugali.
Aniya, “Isa lang para sa akin kasi talagang attitude muna. Kasi kahit anong gawin mo sa fitness kahit saan man ‘yan.. Marami dyan magaganda katawan pero wala namang project. Dapat attitude muna ayusin bago ‘yung iba kasi nagre-reflect ‘yan eh. Pag okay ka na, ayusin mo na lahat, ‘yung panlabas mo, ‘yung physical, mental, lahat.”
“Same po sa amin. Hindi pa po kami ganun katagal sa industry so dapat alam mo ‘yung limitasyon mo,” pagsang-ayon ni Kenneth.
Ibinahagi rin ni Miggy kung paano niya iniingatan ang kanyang image.
“Ako naniniwala ako sa sinabi ni Tommy din. Ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ganun ka-pogi, hindi rin naman ako ganun katangkad. Pero sa tingin ko ‘yung pinaka nagugustuhan ng tao sa akin ‘yung pagiging masiyahin ko, parang kwela lang, parang chill. Syempre din, kailangan din ‘yung fitness sa katawan kasi tama din si Kim,” wika niya.