
Memorable para kay The Clash U.S.A. contestant Mika Gorospe ang round kung saan kumanta siya ng OPM song.
Kuwento niya, "My most memorable moment sa The Clash is 'yung second round, because OPM po 'yung round. Galing ako sa ibang bansa, sa U.S.A. po., and parang 'yung top 32 from round two parang they underestimated me. Kasi sa mga interviews merong mga tanong sa kanila na "who do you think you can battle?" And nalaman ko 'yun, and na-hurt din ako, pero alam ko na gagamitin ko 'yun para gawin ko 'yung best ko. So, when kumanta po ako ng second round, it's super memorable."
Kinanta ni Mika ang OPM song na "Maghintay Ka Lamang," at nag-advance siya sa sumunod na round.
Dagdag pa ni Mika, "I felt like when I sang that, I proved myself that I have a spot here in the competition, I have what it takes to go to the finals."
Mapapanood ang The Clash tuwing Saturday at Sunday sa GMA Network.