
Vibrant and blooming si Thea Tolentino habang nasa kaniyang contract renewal with GMA Artist Center.
Sa isang exclusive interview, sinabi ni Thea na sa anim na taon niya nang pagiging Kapuso ay tila pamilya na ang tingin niya sa mga katrabaho rito.
Aniya, "Sobrang saya kasi mayroon talagang mga tao rito na matuturing kong family. Sila 'yung mga kasabayan kong magsimula rito sa GMA, sina Mikoy, Juancho, and more."
Kamakailan lang ay gumanap si Thea bilang Lucille sa katatapos lang na-serye na Haplos at nag-iwan siya ng mensahe sa cast members niya sa show. "Masaya ako na nakatrabaho ko sila kasi madami akong natutunan," wika niya.
Ano naman kaya ang masasabi niya sa reaction ng mga netizens na tila bwisit na bwisit sa karakter niya sa Haplos?
"Sabi nila kapag nagagalit sa'yo 'yung tao, maganda 'yung pinapakita mong performance. Nakaka-inis at totoong nakikita nilang masama 'yung character na pino-portray ko."