
Nagbahagi ng kanyang saloobin si Therese Malvar tungkol sa pagbabalik-trabaho ngayong patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
Ayon sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, nakikita niya ang maaaring mangyaring new normal sa showbiz industry.
Sa palagay ni Therese, malaki ang epekto ng health crisis ngayon sa live performances at pati na sa pamamalakad sa taping at takbo ng kuwento sa kanilang mga programa.
Paliwanag niya, “I think it would be hard to actually plan for live performances kasi medyo hindi pa nga safe to be in public spaces or to be in large mass gatherings. And I think maiiba 'yung workflow namin dahil nga mas kailangan maging maingat, dahil our health will be at risk if we don't follow certain protocols.
“Feeling ko sa financial side of things, sa set or shootings, I think mas magiging magastos kasi nga hindi na kami magiging time efficient. Kasi kailangan sobrang naka-set up, sobrang naka-social-distance. Sobrang maiiba talaga workflow, and the scenes and the storylines 'cause we can't really do mall scenes anymore, party scenes, ganyan.”
Hindi pa rin daw tiyak ni Therese kung ano-ano ang magiging pagbabago pag bumalik na siya sa taping kaya't meron siyang mga pasubali. Bigay-diin pa niya na kailangan pa rin mag-ingat.
Wika ng aktres, “I'd still ask kung may guidelines na po ba sila with regards to how we'll shoot all the scenes kasi we really need to be careful kasi nga sa mga taping mas marami po akong nakaka-encounter na tao. So 'yun, I'd still do the taping basta may guidelines or protocol just like the protocol of Inter-Guild Alliance na may certain amount of people lang, may pod sets, and may certain amounts of working.”
Panoorin ang kanyang full interview dito:
EXCLUSIVE: Therese Malvar, naghahanda na para sa kolehiyo sa kabila ng COVID-19 crisis
IN PHOTOS: How celebrities are preparing for the 'new normal'
IN PHOTOS: Celebrities resume outdoor activities and experience the "new normal"