
Kamusta kaya ang ating mga ka-Trops sa likod ng kanilang millennial-oriented soap?
Ang programang Trops ay pinagbibidahan nina That’s My Bae Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, Kim Last, Joel Palencia, Jon Timmons Peñaflor, Kim Last, Joel Palencia, Jon Timmons kasama ang mga leading ladies na sina Taki Saito, Toni Aquino, Krystal Reyes at Shaira Mae dela Cruz.
Magaan ang pakiramdam ni Tommy katrabaho ang kanyang co-stars sa morning drama kahit pa inuumaga na sila sa taping, “Para kaming magkakapatid lang [at] parang nasa bahay lang kami kapag nagtatrabaho. Kapag pagod na, nag-aasaran para hindi maramdaman ang pagod.”
Pamilya naman ang turing ng kanyang leading lady na si Toni sa mga bumibida sa Trops, “They’ve become a big part of my life now. They have a special place in my life na parang you can always count on them when you need something or if I need advice.”
Close na raw silang lahat, “The baes, they all serve as my kuyas [while] Taki is like my little sister [and] my best friend. It’s one big happy family, especially with the two new added girls, Krystal and Shaira Mae.”
Enjoy naman raw si Krystal sa kanyang bagong pamilya bilang si Zoe at ka-love team ni Joel, “Mga three months na [since] pumasok ako sa Trops kaya unti-unti ko na silang nakikilala lahat.”
Bunyag ng young actress, “Sobrang haharot nila [at] sobrang makukulit nila off-cam. Para lang kaming mga batang naglalaro [at] madalas kaming napapagalitan.”
Kakatapos lang ng successful concert ng grupo na '#TropsGoals Party with the Baes' kung saan dinagsa ito ng kanilang mga tagahanga.
MORE ON TROPS:
READ: ‘Trops’ stars, nagpasalamat sa success ng kanilang first-ever concert
READ: Alden Richards at Maine Mendoza, happy at proud sa narating ng ‘Trops’
LOOK: Kim Last, binati ng ‘Sunday PinaSaya’ sa success ng ‘#TropsGoals’ concert