
Jam-packed ng mga tagasuporta ng Trops, Eat Bulaga, at Baenation ang SM Skydome noong Biyernes (March 24) nang ihandog para sa kanila ang “#TropsGoals Party with the Baes.”
Iyon ang first-ever concert ng mga ka-Trops tampok ang mga That’s My Baes ng Eat Bulaga na sina Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Kim Last, Tommy Peñaflor, Joel Palencia, Joel Timmons kasama ang kanilang leading ladies na sina Taki Saito, Toni Aquino, at Krystal Reyes.
IN PHOTOS: #TropsGoals Party with the Baes
Dream come true raw ito para sa grupo, ayon kay Joel, “Dati iniisip lang namin siya pero sobrang saya siyempre kasi opportunity [ito] na binigay ng Eat Bulaga dahil din sa mga sumusuporta sa amin. Nagpapasalamat kami sa mga ka-Trops nating sumusuporta.”
Na-showcase ang kanilang mga talento at talagang isa-isa silang nagningning noong gabing iyon. Ayon kay Kim, “Ito talaga [ang] moment namin.”
Mixed emotions naman si Miggy, “Sobrang saya na nakakaiyak. Noong kami po ay nagkasama po sa Eat Bulaga, sobrang thankful po, lalo na itong concert.”
Binati niya pa ang kanilang fans kanina sa noontime show, “You know guys we love you and thank you for supporting us. Mwah!”
Ipinamalas naman ni Taki ang kanyang galing sa pagsayaw sa pamamagitan ng ilang dance numbers na kanyang handog sa mga manunuod.
“Thank you for supporting [Kenneth and I]. We feel so blessed, and we’re really thankful [to] everyone [who] is supporting us [at] sa lahat ng nagtiwala sa amin,” natutuwa niyang sinabi sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.
MORE ON TROPS:
WATCH: Mga bae ng ‘Eat Bulaga,’ kanya-kanyang pasabog sa kanilang first major concert
READ: AlDub, happy at proud sa narating ng ‘Trops’
LOOK: Kim Last, binate ng ‘Sunday PinaSaya’ sa success ng ‘#TropsGoals’ concert