What's on TV

EXCLUSIVE: Valeen Montenegro, hindi sineseryoso ng viewers sa 'Encantadia'?

By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 3, 2017 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Valeen, ikinuwento niya na malaking transition daw sa kanyang acting career ang pagpasok sa Encantadia.

Kamakailan lamang ay nagulat ang Encantadiks nang malamang si Kapuso actress Valeen Montenegro ang gaganap kay Bathalumang Haliya. Mayroong kanya-kanyang hula ang viewers ngunit 'di kasama sa kanilang listahan ang komedyante.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Valeen, ikinuwento niya na malaking transition daw sa kanyang acting career ang pagpasok sa Encantadia. "Since I do comedy, so parang nahirapan sila (viewers) [na seryosohin ako]. Hindi nila ako sineseryoso. Kaya ko namang magseryoso," natatawang saad ng Bubble Gang star.

Pero ayon kay Valeen, natutuwa naman daw siya a feedback ng Encantadiks sa pagpasok niya sa iconic telefantasya. Aniya, "Well mostly maganda naman 'yung pag-welcome sa 'kin and in-accept naman nila ako."

Bahagi pa niya, 'yung pressure raw na nararamdaman niya ay napalitan ng excitement nang sumabak siya sa taping. "Nag-enjoy ako roon sa special effects kasi wala naman akong ginagawa. Tapos nago-glow pa ako roon. Ang ganda nung naging effects sa 'kin," anang aktres.

Sa huli, 'di pa rin maitago ni Valeen ang kanyang pagiging komedyante at nakapagbiro pa tungkol kay Bathalumang Haliya. "I'm still hoping na makatulong naman si Bathalumang Haliya kasi utos lang siya nang utos, tulog lang siya nang tulog, naliligo lang sa batis," natatawa niyang pahayag.

MORE ON 'ENCANTADIA':

IN PHOTOS: 'Encantadia' villains imitate the Sang'gres

WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on May 2

WATCH: Solenn Heussaff, nalulungkot na sa pagtatapos ng 'Encantadia'