What's on TV

EXCLUSIVE: Valeen Montenegro, nasabihang 'masamang tao' dahil sa 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar
Published October 22, 2019 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Valeen Montenegro receives positive comments as Lady M


Natutuwa raw si Valeen Montenegro sa mga komento ng mga manonood ng 'Beautiful Justice' kahit ang ilan pa rito ay galit sa karakter na kanyang ginagampanan.

Sulit ang effort ng buong cast ng action-drama series na Beautiful Justice dahil sa nakukuha nilang mga positibong komento mula sa mga manonood.

Valeen Montenegro, natuwa sa mainit na pagtanggap ng publiko sa 'Beautiful Justice'

Ito ang sinabi ni Valeen Montenegro, na gumaganap na Miranda o Lady M sa GMA Telebabad series, nang makapanayam siya ng GMANetwork.com sa taping ng Bubble Gang kahapon, October 21.

Ayon sa Kapuso comedienne, sobrang proud siya na nakikita na ng mga manonood ang 'promising story' na handog nila sa Beautiful Justice.

“Nakaka-proud! Kasi, from where we started parang, siyempre, kapa-kapa pa 'yan, hindi namin alam kung saan pupunta.

“Promising 'yung story na alam namin, pero as it is unfolding and how are other people are responding to the story, nakikita ko 'yung mga tweets na parang, 'Oh my God, nabitin ako!'

Nakatatanggap din daw siya ng mensahe mula sa mga netizen na naiinis sa role niya bilang Lady M.

“Mayroong iba ie-effort pa sila, pupunta sila sa IG page ko [para sabihin] 'Ang sama-sama mo Lady M!' Gumaganun, nagko-comment talaga sila as in they go out of their way and I love that!”

Dagdag din ni Valeen na enjoy siya gumanap ng ganitong role sa telebisyon.

“'It's actually fun to do kasi hindi nila ako iju-judge kung ano man 'yung naisip kong gawin.”