What's Hot

EXCLUSIVE: Various OPM acts gather for 'Spotlight Music Sessions'

By Marah Ruiz
Published October 1, 2017 10:00 AM PHT
Updated October 4, 2017 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan 'yan sa October 10!

May bagong dapat abangan sa bagong online musical program na Spotlight Music Sessions. 

 

 

Hatid ng Spotlight Music Sessions ang iba't ibang original at cover versions ng mga popular na awit mula sa top OPM acts sa bansa. 

 

Isa si Abra sa mga unang mapapanood sa programa. Excited daw ang Pinoy rapper sa pagkakataong magamit ang panibagong online platform na ito.

"Ang masaya doon is, nagbibigay ng feedback 'yung mga tao kung paano nagre-resonate 'yung songs, 'yung mga projects [at] mga music videos sa buhay nila," kuwento niya sa isang ekslusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Masaya din si singer and actress Rita Daniela sa kakaibang experience niya sa programa.

"Ang saya lang kasi parang feeling ko I did something new," pahayag niya. 

"Wala pa kong nakikitang ganun 'pag nanonood ako ng mga covers sa You Tube—'yung talagang totoong jamming. Sobrang chill lang," dagdag pa nito. 

Bukod kina Rita at Abra, dapat ding abangan sa Spotlight Music Sessions sina Janno Gibs, Mojofly, MYMP, James Wright, TOP at Migo Adecer. 

Opisyal itong magsisimula sa October 10 kaya mag-subscribe na sa kanilang official You Tube channel na Spotlight Music Sessions. 

Patuloy din na mag-log on sa GMANetwork.com para sa iba pang updates.