What's on TV

EXCLUSIVE: Victor Neri, ayaw magkamali sa pag-portray bilang isang legendary PDEA agent sa 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar, Jansen Ramos
Published September 9, 2019 9:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

ictor Neri gaganap bilang Tony sa Beautiful Justice


Masusing pinag-aaralan ng action star na si Victor Neri ang role niya sa drama-action series na 'Beautiful Justice.'

Masusing pinag-aaralan ng action star na si Victor Neri ang role niya sa drama-action series na Beautiful Justice na mapapanood na mamayang gabi sa GMA Telebabad.

LOOK: 'Beautiful Justice' actors undergo gun training session with Victor Neri

Gagampanan ni Victor ang role na Tony na isang legendary PDEA agent. Sa exclusive chat ng GMANetwork.com sa kanya last week sa krav maga training session ng cast members, inilahad niya ang kanyang preparasyon para sa soap.

LOOK: Intense Krav Maga training of stars from 'Beautiful Justice'

Aniya, “'Yung preparation mas more on understanding the technicalities ng arrest, lingo ng PDEA mga procedures nila.

"Hindi puwedeng magkamali sa TV. 'Yung pag-arrest, mga protocol ay iba-iba, iniingatan namin.”

Sinisigurado din niyang magiging “true to life” si Tony, dahil ginagawa niyang peg sa role ang mga kilala niyang PDEA or NBI agent.

“Mayroon akong mga ginagayang agent, mga nakakatawang hirit nila, mga real life PDEA agents or NBI agents. Minsan gagayahin ko kung paano magsalita, kasi totoo eh. Paano sila magbitaw ng dialogue, kung paano nila inintindi 'yung mga binabasa nila,” saad ni Victor.

Catch the world premiere of Beautiful Justice tonight on GMA Telebabad after 24 Oras.