
Viral na ngayon ang performance ni Jeniffer Maravilla sa The Clash last Saturday, November 23 kung saan nahirapan itong gawin ang whistle part nang kantahin niya ang sariling version niya ng kanta ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila.”
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso singers na sina Gabbi Garcia at Yasmien Kurdi, matapos ang Kapuso ArtisTambayan nagyong Martes ng hapon (November 26), nagbigay sila ng opinyon sa nangyari kay Jeniffer.
Ayon kay Gabbi, hindi daw madali ang mag-perform at nangyayari talaga na minsan ay sumasablay sa pagkanta.
Paliwanag ni Gabbi, “It happens. Hindi laging perfect ang performance and sometimes you know the nerves get to the performers, so I don't think we should shut her off and not give her the chance. Kasi nangyayari sa lahat ng tao 'yan.”
Para naman kay Yasmien na itinanghal bilang Most Promising Singer sa 36th annual Guillermo Mendoza Award noong 2006, pinayuhan niya ang The Clash contender na huwag masyadong damdamin ang nangyari sa kanya.
Aniya, “Just smile and move on. Kunwari walang nangyari, okay nakita n'yo 'yun its embarrassing but you know you have to move on. The show must go on.”
Beautiful Justice
Samantala, mas umiinit ang mga eksena sa primetime series nina Yasmien at Gabbi na Beautiful Justice kaya hindi raw dapat palagpasin ang mga episode nila gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.
Binigyan-diin ni Gabbi na kahit silang mga cast nasu-surprise sa mga susunod na mangyayari kapag nababasa nila ang script nila sa show.
“Kahit kami ng mga cast we are really surprised everytime na may dumarating na bagong script, you know panibagong mga malalaking eksena, mga panibagong pasabog.
“So pati kami nae-excite kami gawin. Everyday is different, every week it gets more intense,” ani Gabbi.
WATCH: Jeniffer Maravilla's rehearsal of "Hayaan Mo Sila"
WATCH: Jeniffer Maravilla, viral ang failed whistle attempt sa 'The Clash'
WATCH: Jeniffer Maravilla's rehearsal of "Hayaan Mo Sila"