
Si Sofia ang gaganap na anak ni Yasmien sa bagong soap na 'Sa Piling Ni Nanay.'
Kung sa Yagit ay pinagselosan ng anak niyang si Ayesha ang kanyang anak sa show na si Chlaui Malayao, kampante raw si Yasmien Kurdi ngayon na hindi ito mararamdaman ni Ayesha kay Sofia Cabatay, ang gaganap bilang anak niya sa upcoming Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay.
Makakasama rin ni Yasmien sina Mark Herras at Katrina Halili sa naturang teleserye.
READ: Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili, magsasama sa bagong GMA teleserye
"Ito nga nakakatawa. 'Yung anak ko, favorite siya. Kasi 'yung commercial niya, 'yung 'Hmm, meron!' sa Downy, favorite ng anak ko. Every time na naliligo siya, gaganun din, 'Hmm, meron!' Ginagaya niya si Sofia," kuwento ni Yasmien in an exclusive interview with GMANetwork.com.
Dagdag pa niya, "Nagulat ako kanina nang nalaman ko na siya 'yung magiging anak ko. I'm sure, kapag pumunta ang anak ko dito sa set, magpapa-picture talaga 'yun dahil idol niya si Sofia."
MORE ON YASMIEN KURDI:
Yasmien Kurdi, payag bang maging artista ang anak na si Ayesha?
EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, handa na sa mga sampal ni Katrina Halili