
“Bro, Bro, Bro! Ingat Ka, Bro!” ang tawag ni Mavy Legaspi sa kanyang tatay. Ang 17-year-old na binata ay ang kambal ni Cassy Legaspi na anak nina celebrity couple Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Ikinuwento ito ng Kapag Nahati Ang Puso actor sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, “Sometimes 'di mo alam kung mao-offend ka o [matutuwa pero] okay na rin iyon na tingin niya sa akin [ay] kaibigan. Dati, 'yung respect nandun talaga pero ngayon, puro fist bump na lang [at] wala na masyadong kiss, although nagki-kiss pa rin iyan si Mavy. Bago umalis iyan ng school, kahit tulog ako, nararamdaman ko 'yung mga labi ng mga iyan na humahalik.”
Enjoy ang celebrity dad na nagsisilbing co-manager nina Mavy at Cassy na kaka-pirma lang ng kanilang management contract sa GMA Artist Center noong nakaraang linggo.
“'Yung kambal na iyon, medyo magaan silang kasama sa buhay. Si Cassy, 'pag kasama mo iyon and when she laughs, contagious. Si Maverick naman, very thoughtful so masarap silang kasama,” dagdag niya, “Masarap alagaan 'yung dalawa [kasi] nakikinig.”
Very proud ang mag-asawa sa kanilang kambal ngunit hindi rin nila maiwasang magtampo kasi teenagers na ang kanilang mga baby.
“Nowadays, medyo ang napi-feel nilang kasama [ay] mga barkada nila kaysa sa amin. Dadating ang panahon na iyon eh, but sa ngayon, ngayon, nandun na sila sa stage na iyon,” ani ng aktor na ang concern ngayon ay ang safety ng kanyang kambal na mahilig nang lumabas ng bahay.